Saturday, May 29, 2010

Busy week. I mean, busiest!

I guess, I'll make this blog short. Because they got lazy reading it long. Sluggish friends! Uhh. :-&

MONDAY
Destinations: Mcdo Pamplona, SM Center, Edzen's crib, Digo's crib.

Well, may nag-walk out lang naman this day. Not realizing how badly it affected the people he was with that day. Kalalaking tao pikon. I'm not mad anymore, but this really got into my nerves ALREADY. Meaning to say, I'm keeping so much bad thoughts about him, and I've already lose my temper from that moment. But I stayed calm pa naman that day. Until...

TUESDAY
Destinations: Migs' crib, Mcdo Casimiro, My crib, Mary ann's crib. Crib hopping!

I'm really pissed off about what happened this day. But I won't mention it AGAIN here. The weather's hot, and he didn't even had the urge to offer us a glass of water. He left us waiting outside, and complaining about how hot it is inside his house. KINGINA! Kung mainit sa loob ano pang init meron sa labas? But, I really had fun this day inspite of what happened, we solved brain twisters at Mcdo Casimiro, limang set na yata ng pamilya yung nakaupo don sa katabi naming table sa sobrang tagal namin don.

WEDNESDAY
Destination: None. It's my rest day. =)

THURSDAY/
Destination: Marianne's crib

It's a really fun day because ngayon nalang ulit kami nagkabonding ulit. Although haggard na kami kakalakad sa residencia, di pa rin kami natinag kakapicture. caputre all the moments. =) We talked for hours and laughed for hours, and I can't help laughing whenever I remember our funny banats and "for adults only" talks. Super saya talaga this day.

Click here for the pictures dude!

FRIDAY
Destination: MOA trip with Sharm and Digo

Digo treated us this day, and I'm so thankful to her for keeping my stomach full all the hours were walking and laughing. Ang daming gwapo sa MOA. Babalik tayo don ha. Sana naman makatyempo tayo ng hindi na naninigarilyo. MAJOR turn off. Naadik na kami sa Dilly Sandwich ng Dairy Queen. =)

Busy week right? I'm so tired the next day and got sick for hours lang naman. Nag-inarte lang pala yung body organs ko. I love my friends. Hihihi. =)

Tuesday, May 25, 2010

PBB is DESTRUCTIVE already

The PBB fever is into my system, and it's destroying my whole self.

Another shit happened yesterday, May 25, 2010 inside the PBB house. I'm just so carried away from this reality show and I can't stop myself from telling my OWN opinion about what's occurring there. UTAK GULAMAN TALAGA SI KUYA. Yun lang ang masasabi ko.

So what happened nga ba talaga? Here it is. It all rooted up from a stupid weekly task they had last week. There are five categories ata with corresponding points to earn, and the group who earned more points will be awarded with two slots for the big night. The final standing before that task was that both of them had a slot for the big night, meaning to say, one slot for teenternational housemates, and one slot for the pinoy. The pinoy housemates excelled more on physical categories and the teenternational ones excelled more of those who needed NATURAL talents. They won the bunong braso, the basketball game and I forgot kung meron pang isa. While on the other hand, the teenternational batch won the last two challenges, the runway and the singing contest.

Kuya gave the pinoy housemates the chance to convince their opponents to accept their challenge and let them know it in a creative way. So, they've decided to say it in a form of rap, they don't even planned the lyrics because they wanted to say what's really inside them, which is really admirable of them. But it seems like all of them kicked the teenternational housemates below the belt, one of them said that he felt like he had been cheated. At the very beginning Bret told them to stop because they are willing to give the slots and the pinoy housemates don't have to put much effort into it. But still they continued, and even asked for rematch. It sounded really bad because they stated that it seemed unfair, they stayed longer inside the house so they deserve atleast two slots for the big night.

In my own opinion, the pinoys were really admirable because of the effort they put on it, but still they looked at the situation the wrong way. I mean, Ivan said that he felt cheated. Hello?! Both teams exerted all their time and energy for that task and he'll say he's cheated upon? I view it as a stupid way of thinking, a selfish one also. To take it literally, they can't cheat because the house is surrounded with cameras, once they try to cheat, it will be seen on cameras. Secondly, it's shows that he can't accept the fact that they, pinoy housemates, TALK more and WORK less most of the time. I mean, they have plenty of plans, creative plans, and they can't seem to put it into action. Why am I mentioning it? Because it is the MAIN reason why they're not winning. They talk behind each other's back. They take task way too personally. I understand that the competition is getting tougher this time, but it seems like they take it really seriously and forgot the real essence why all of them were there. To learn something, and to gain something. It's seems like the pinoy housemates are really after the prize and being one of the big four. While, to look upon the hearts of the teenternational housemates, they're not really after the prize, they're after the friendship, and if ever one of them won one slot, bonus na lang yun para sakanila.

One more thing! Here comes Tricia again. She acted stupid upon facing the teenternational housemates all alone and told them to wait for the other housemates. I don't get her point from doing that! And like what the teenternational housemates said, she cried on cue. I mean, she's trying to sound right and get the sympathy of his co-housemates, and the viewers.

I just pity Bret so much. He's right for saying that if you'll read between the lines, they're the ones suffering more even though they haven't stayed for too long inside the house. They also auditioned for it, which what the pinoy housemates is complaining about. Pumila daw sila. Well, to tell them upright, the teenternational housemates also did. And they should also deal with their culture shocks, they also miss their families like what the pinoys experiencing now, they need to deal with people that they don't even know what's going on inside their minds. But still, he's after the friendship, and he's true about it.

Just try to think about it.

Saturday, May 22, 2010

Opinyon ni Ysa

Nai-blog na to ni Dubhe, naisip ko na magbanggit din ng opinyon ko tungkol sa isang episode ng PBB.

Kung avid fan ka ng PBB, malamang eh napanuod mo yung birthday celebration ni Tricia pati Devon. Masquerades ang theme ng kay Tricia, at Anime theme naman ang kay Devon. Binigyan ng pagkakataon yung dalawa na mag-imbita ng guest nila sa parties, at pinagdecide nila yung housemates kung saang party nila gustong pumunta, at hindi nila pwedeng pagusapan paglabas na paglabas ng confession room. At party na nga. I was so angry nung lahat ng Pinoy housemates eh dun pumunta sa party ni Devon, and ineexpect ko talaga na maaawa yung mga teenternational housemates at dun sila pupunta sa party ni Tricia, pero mali ako. Sina Bret, Ryan, Sophia pati Richard ata eh pumunta pa rin sa party ni Devon. I was so freaking mad at Kuya talaga. Gusto ko siyang liyaban! I wanna set him on fire.

Inis ako kay Tricia. Hindi naman up to the point na galit ako sakanya kasi wala naman siyang ginagawang masama sa akin. She act so much of her age na kasi, I mean, masyado ng umaarte na parang conscious na conscious sa camera. And totoo yung sabi ni Yen, sinungaling siya. Storyteller. Gaah. She annoys me so much. Pero NOON yun. Since the day na nagtapatan sila ni Shey, I'm starting to get her point. Mas nainis ako kay Shey, naturingang ate ng lahat! Tsk, tsk. She describes herself as a frank person, matapang daw siya ganon. Pero nung time ng aminan nila ni Tricia ay nako! Umurong yung dila niya. Sobrang naaasara ako sakanya. Masyado na siyang mapuna, lahat nalang ng maliliit na bagay na ginagawa ni Tricia ginagawa niyang big deal. Parang lumilitaw yung insecurity niya. Although, maganda din naman siya. Tapos parang gaga yung dalawa niyang kawatang si Devon pati Kyra. Parang tanga kasi! Walang mga sariling opinyon! Ayan tuloy ang nangyari, kakaplastik niya natanggal siya. She doesn't even gave Tricia the chance to change for the better. She's close-minded and follows her opinion ONLY. Masyadong malaki ang naging impluwensya niya sa mga housemates. Lalo na kina Devon.

So that's it. Kuya was so wrong from that idea talaga. I mean, alam naman niya siguro na ayaw ng lahat kay Tricia, ewan! Di ko talaga magets yung point niya bat kailangan niyang pagsabayin. I mean, it's really harsh. Birthday yun eh. It's the only date in the calendar na ang tagal-tagal mong hinihintay, the day that you should feel like someone special. KUYA RUINED IT! I really don't get his motive from that thing. Pero okay na rin, atleast Tricia knows whose really the true ones.

The more na inuunder dog nila si Tricia, the more na mamahalin siya ng tao. Yun lang masasabi ko. Pero nandidiri din ako kasi nga nabanggit na may body odor siya. Wala lang, ang yaman naman kasi niya, ang dami niyang pambili ng kung ano2 wag lang mamaho. Saka di ko magets pano pa siya nagkakaamoy kung gayon FULLY AIRCONDITIONED naman ang bahay ni Kuya.


Opinyon lang naman.

Thursday, May 20, 2010

Ako ay isang Jejemon

e0w pFoUwzXs.., mUstAh poWs?

Nairita ka? Eh kung isa pa?

kUm41n k4 nu4 pf0uwZ?

Oh galit ka na niyan?

Ano nga ba ang Jejemon? Sino bang hindi makakakilala sa mga to? Eh sila nga ang hottest topic ngayon sa internet. Hate page dito, hate page don. Pero sige, ipapaliwanag ko nalang din kung sino nga ba sila. Ang mga Jejemons ay mga taong ginagawang kumplikado ang pamamaraan nila ng pagtatype o pagtetext ng mga salita. Hango ito sa salitang "jeje" na tawa ng mga taong nabanggit. Jejeje.

Jejemon ako dati, inaamin ko yan ngayon. At nahihiya akong sabihin na ang lakas-lakas ng loob kong sumali sa mga hate page nila na kung tutuusin eh dumaan din naman pala ako sa ganoong pamamaraan ng "pagsulat". Nahihiya ako para sa sarili ko, kasi kung iisipin wala akong karapatang kainisan sila kasi isa ako sakanila. Ang kaibahan, nauna lang akong maging ganoon kaysa sakanila. Hindi ako nahihiyang sabihin na Jejemon ako noon, nahihiya akong sabihin na naiinis ako sakanila ngayong wala naman pala akong karapatan.

Tuwing nagbubukas ako ng Facebook, sasambulat sa akin ang lahat ng hate page ng mga Jejemons. "Gotta kill 'em all, Jejemon!", "I am a Jejebuster", yan ang ilan sa mga halimbawa nila. Panay ang post nila ng mga panlalait sa mga binansagan nilang Jejemon. Lumabas pa nga sila sa mga balita eh, may mga Jejemon na ininterview, at proud na proud silang sabihing ganon ang sense of style nila. Nung una, natatawa pa ako. Napag-uusapan namin ng mga kaibigan namin yon, tapos nilalait namin. Pero nung tumagal napagtanto ko na parang may mali, I mean, may mali na talaga.

Just try to get a "bigger picture" of it. Oo nga. Napakasakit sa mata magbasa ng ganong bagay. Tipong pag may nag-add satin na kabilang sa nabanggit na "specie" eh iniignore natin o worse, binoblock pa natin. Pag may nag-e0w pfOuwzXs sa atin, dinedelete agad natin, treating it as a shame pag nakita yon ng mga kaibigan natin. Siguro nga ganon talaga, kahit nga wala silang ginagawa satin, we treat them lepers of the society. Para bang mahahawa tayo pag kinausap natin sila, o inaad natin sila as a friend. Paano pala kung naiinis din pala sila sa ating ganito mag-type? Wala lang, yun lang naman ang tingin ko sa ating mga Pilipino, kapwa na nga lang natin, tayo pa mismo ang mandidiscriminate. Napakalaking mundo ng internet, I mean, hindi lang naman mga Pinoy ang nag-oocuppy nito. May mga Amerikano, Aprikano, at lahat na ng lahing pwedeng lagyan ng -kano sa dulo, mga Hapon, Koreano, name it all! Siguro nababalitaan na lang din nila tong ginagawa natin sa mga Jejemons na to no? And maybe they're all thinking this way:

"Siguro, kaya hindi umuunlad ang bansang ito kasi sila mismo ang humahatak sa mga kalahi nila pababa."

Isa lang ang hinahangaan ko sa mga binabansagan Jejemon, kahit pa minamata na sila ng lahat ng tao, nagkakaroon pa rin sila ng lakas ng loob na humarap sa lahat ng tao, kaakibat ang mga bagay na kinaiinisan ng lahat. Pinaninindigan nila yung sa tingin nila eh "maganda" at "tama" nang walang natatapakang tao.

At isa lang naman din ang masasabi ko sa mga tumutuligsa sa AMIN, sana alam niyo ang hangganan niyo.

"e0owxZs pFouHsX, mUstAh pFouwZxH?"
Naisip ko, ano nga ba ang mali sa pangangamusta?

Saturday, May 15, 2010

THE BEST AND WORST DAY EVER WITH CHIXI

Ang galing ko. Nasusunod ko na ang blog updates ko. I feel like a writer meeting her deadlines:)

Nung May 1, (kunwari may 2 palang para mukha kong hindi late) kahapon, cinelebrate namin yung birthday ni Kamzee (April 7). Wow! Mag-iisang buwan na yon ah. Di kasi kami pwede lahat eh. Kaya naresched ng naresched. Nagkita-kita muna kami nila Dai, Muche pati Moy. Papagawa sana namin yung tshirt bago kami dumiretso. We have high hopes pa naman. Tapos nagsayang lang kami ng pera at nauwi sa cake ang lahat. Sinundo na namin si Stariray sakanila, di daw kasi siya papayagan hangga't di namin siya susunduin. Ayon, tnry ni Maryann na magpaprint kasi gaga siya, kinalimutan niya yung letter niya for Kamz. Kaso, hindi nakacompatibility mode yung file niya. Ay gagang talaga!

Dumiretso na kami sa Jollibee Kalinisan, doon kasi yung meeting place. Nag-CR tapos nag-ayos2. Dumating na yung matabang birthday girl! Yehey! Haha:) Wala kaming idea kung saan kami dadalhin. Para kaming pinadala ni big brother sa kung anong lugar para gumawa ng weekly task. Nakarating na rin kami. Sus! Sa Kainan sa Balsa lang pala ang punta namin. Nakakain na kaming lahat don eh. Hahaha. Joke lang! Si Dai palang nakakarating don. Suuppperr ganda nung place. As in. Eto yung link, click niyo.

KAINAN SA BALSA somewhere in Bacoor, Cavite.

Sorry kung link lang, no preview available kasi yung nalabas pag sinasave ko siya sa desktop. Badtrip nga eh.

So kain na kami, nagwawala na yung mga bitukang maton namin. May barbecue, sinigang, squid... May chicken. Grabe! Sana birthday ni Kamille araw-araw. Haha. Pagtapos kumain, I mean, lumamon, nagkuwentuhan muna kami saglit. Tapos nagpicturan. Natuwa kasi talaga kami. Anganda nung lugar, floating nipa hut on water! Haha:) Tas anganda ng ilaw sarap magpicture:)

Tapos, napagpasyahang magSM Bacoor. Natuwa, nagpichuran nanaman habang nasa byahe. Angaling ko talaga kumuha ng picture! Nakikita lahat. Asaar! Tapos nakarating na kami don. Ang SAYA!

Pagkapacheck namin ng bag may kumalabit saking babae,

ATE, MAY TAGOS KA.

Ay potek. Nag-panic ako ng sobra! Nandon pa naman yung crush ko. Shit. Wa poise ako ng todo. Nagpapanic na talaga nun. Haha. Hindi ko naman kasi alam na magkakaron ako eh, nung nagCR ako sa Jollibee, wala pa ako nun. Di ko din naramdaman! Tae. Napagpasyahan kong umutang para bumili ng damit. Jumper kasi yung suot ko, kaya sa halip na yung lower clothes ko lang yung papalitan ko, damay yung sa taas. Amp. Super ASSar talaga. So ayun, nakabili na ako ng damit. WOW! Ang saya! Ang dami kong utang sa pasukan.

After non, kumain kami ng ice cream pati cake. Soobrang sarap. Ayoko ng umuwi! Daming pagkain eh. Ayon, super kwentuhan habang pauwi. Super open up. And super payuhan. Ganyan talaga ang buhay.

Ay! Napaprint nga pala ni Maryann yung letter niya sa Netopia sa SM! Sa BOND PAPER! Yuck, kami colored paper siya bond paper lang. Ewwwe. Hahaha.

Ang saya. Best and worst day nga. But I've got good friends to save me. :) I love Chixi so much.


Click for more pictures.

A SLUMBER PARTY WITH YAN

Kailangan ko ng sundin ang blog updates ko.

Nung April 29, nagpunta ako sa bahay nila Marianne para makitulog. Dapat nga nung lunes pa yon, kaso kinabukasan kasi non magswimming ang TSG. Ayon, nareschedule nanaman ng nanaman ng nanaman. Mga 9 naligo na ako. Edi ayon, mag-11 na di pa din gising ang luka. Kaya di muna ako pumunta. Tas nung nagtext na siya sakto OTW na ako. Whew. Salamat naman. Bago ako dumiretso sakanila, dumaan muna ko ng convenient store para ibili sila Moy ng lollipop. Ayon, nakarating na ako sakanila. Nag-aalmusal palang ang gaga. Walang ya. Di pa ko pinagbuksan ng pintuan. Edi ayon, nanuod muna kami ng showtime tas ngkuwentuhan na sa kubo.

Super kwentuhan nga kami, about sa tropa. About sa naging tampo ko sakanya before. Di na kasi kami talaga nakakapagusap non nung may pasok pa. I was jealous of her friends kasi may isang gala kami na hindi siya sumama samin, instead don siya sumama. Pero naexplain na niya sa akin yon. Sinabi ko din sakanya lahat ng kailangan niyang malaman, everything she has to change. Naintindihan niya naman ako. Masaya ako kasi kahit di kami nagkakausap madalas, hindi naging dahilan yun para magkaroon ng gap yung pagkakaibigan namin.

Kumain lang kami ng kumain. Kain, tawa, kain, tawa. Tas nung maghahating gabi na naligo ako. Tapos tawa siya ng tawa sa suot ko. Nakapajama kasi ako. Slumber party nga eh. Di siya nasunod sa rules! Tsk. Ayon, gumawa kami ng home made pizza. Sayang di ko napicturan! Ang cute kasi. Tapos di namin naubos sa sobrang dami. Haha. Tapos kinausap namin si Mark, nagkantahan kami. Ganda kasi ng boses ko eh. Haha:)

Kinabukasan, late na kami nagising. Sabay na rin kaming umalis kasi may gala siya non eh. Lumelevel up na ang gaga, gumagala na! Haha:)

That was a long and tiring day:)

POTATO TREE

Alam kong late nanaman ako. Oo na.

Hindi ko na nasunod yung blog updates ko. Nakakatamad kasi magkwento eh. Next time ko na popost yung about sa Chixi and Sleepover ko. Whew. Magiisang buwan na atang ngyare yon. Argh. >:(

OFF TOPIC: Paano ba kasi magcostumize ng layout dito? Kakaasar kasi. Di ko matutunan on my own. Yung available layouts lang ng blogspot yung ginagamit ko. At tatlong linggo na atang under construction ang blog ko.

BTW, nung Wednesday nga pala nagpunta semi-TSG sa bahay. As usual, biglaan na naman. Pero okay lang kasi mas natutuloy pa nga yung mga ganong gala kesa sa planado. Tumawag si Tutong sakin. Pupunta daw sila dito. Payag naman ako. Tigang na ako sa bahay eh. Wala na akong ginawa kungdi tumawa mag-isa at magsulat ng kung ano-ano. So ayon, dumating si Tutong, Sharm pati Zen. Agad nilang sinabi na may papaya ang halo-halo! Oo naman meron! Kulay green pa nga yon eh. May santol pa nga yon eh, yung kulay green na matamis.

Tapos nagtext si Dai na susunod daw siya, edi payag naman kami. Sige lang go go go. Nag-bluff muna kami pati ungguy-ungguyan. Talo si Arnold. Ungguy-ungguyan pa ba yon eh totoong unggoy na kaya si Arnold. Hahaha:)) Tas dumating na si Dai. Cinomfirm pa ni Sharm na may papaya daw talaga sa halo-halo. Kailangan namin siyang kuntsabahing umoo. Buti nalang hindi loading si Maryann tulad ni Arnold palagi. Ayon. Ito yung mga prutas na napagusapan namin:

"Ano ka ba, yung ubas yun yung kulay pink!"

"Yung stawberry yun yung pahabang prutas na parang straw! Strawberry nga eh!"

"Yung papaya kulay green yon. Nagiging red pag pasko, blue pag birthday ko at yellow yon pag nanalo si Noynoy sa eleksyon."

"...at puti yon pag President's day."

"Yung kangkong isda yon diba? Ulam kaya namin yon kanina! Pritong kangkong."

"Yung pakwan yun yung pula yung labas tas green yung loob."

"Root plant ang mangga."

at ang pinakamalupit...

"May puno ng patatas."

"Ano nga ulit tagalog ng watermelon?"

"...Pinya yon tanga!"

Takteng yan. Todo laughtrip kami. Hanggang sa dumating si Migs. Ayon, nananakit nanaman siya kapag nagagalak ng sobra. Grabe ang wild ng mga hayop na yan. Haha:) Todo laughtrip talaga. Pinagtitripan kasi namin si Sharm, walang alam sa mga pagkain. Sinabi pa ni Edzen na may alagang PECHAY daw yung Lolo niya. Lima yung paa. Dinedemo ko pa nga kung paano lumalakad yon eh. Hahaha:)) Todo deny pa si Sharm na kulay green daw ang papaya, orange daw yun na may buto which is true, pero nirereverse psychology namin siya. Sinasabi namin na kulay green yon. Tinanong nya eh bakit daw yung papaya soap kulay orange. Sabi ni Arnold.

"Eh nilagyan ng food coloring yon eh."

Oo. Nakakain ang sabon. Pwedeng ulam, pwedeng dessert. Sa lahat ng tanga si Arnold talaga ang consistent. Haha:)

Ayon, nagsawa na sa bahay, natripang manuod ng liga sa Donya Paz. Niloloko namin si Sharm, kunwari naghahanap kami ng puno ng patatas. Haha:) Ayon, pinakilala niya din kami don sa gwapo daw. Gwapo nga! Smoker naman. Sayang!

Nagpustahan pa kami ni Arnold. Don siya sa team na mukhang mababaho yung players. Nakakatawa. Hahahaha. Yun daw kasi yung tumatalo sakanila sa liga, yung mga ganong mukha. Nasa mukha na kasi ngayon nakikita ang pagkapanalo. Nanalo tuloy siya ng siyete sakin. Tae.

Yon lang. Umuwi na kami. :)

Tuesday, May 4, 2010

TSG WITH KUYA KIM ATIENZA



"MR. KNOW-IT-ALL"

My usual friends and I planned to swim nga. Di ko feel mag-english! Hahaha. Nagkita-kita sa bahay, and I can't believe my eyes, hindi late si Migs. Ayun nga. Sa Villa Ocampo kami napagplanuhang mag-swimming. Okay naman yung resort, natuwa nga kami kasi medyo mura, sagot pa ni Edzen yung cottage pati food. Hehe:) Si Arnold excited kasi ngayon nalang ulit siya makakaligo. Edi sulong siya. Naka-topless silang lahat at si Migs lang ang macho. Nakakadismaya. Hahaha. Pero kami nila Sharm pati Mary Ann, naisipang kumain muna. Alam niyo naman si Mary Ann, bitukang maton yan. Nalibre tuloy ako. Tapos ayun, sumulong na din kami kasi sobrang init talaga ng panahon, dinaig pa ako. So yun.

Si Migs dinala niya yung underwater cam niya. Tuwang tuwa kami kasi first time nga naman diba? Edi picture kami tapos tawa, picture, tapos tawa nanaman. Nangamoy hininga na namin yung pool kakatawa namin. Nag-video pa nga kami sa sobrang kagalakan. Eh, mejo malabo yung tubig kaya tinantanan na namin yung camera. Napagpasyahan naming mag-videoke.

...mag-videoke. Ayan, nag-vivideoke na kami. Pagkatapos naming matuwa sa videoke, kumalam ang sikmura ko. Nagyaya na akong kumain. Pinag-usapan kung anong ipanlalaman tiyan at ayun, manok ang napagkasunduan. Bumili na ang mag-jowa ng uulamin. Habang naghihintay, isang malagim na insidente ang nangyari. PUTEK TUMAE YUNG ISANG BATA SA POOL! Ang laking tae ang wala. Gandang panghimagas sa kumakalam kong sikmura. Pagkakuha nung tae, tuloy padin sa pag-swimming ang ibang pamilya don sa resort. Parang walang nangyari. Sarap ng tubig!

Dumating na nga sila Edzen, ibinalita namin ang nangyari. Ayaw pang maniwala ng dalawa. Tsk2. Palibhasa si Sharm nadapo sa tae. Hahaha. Joke lang po. Edi kumain na kami, kalakip ang tae sa aming mga sikmurang gutom. Pagtapos kumain, kwentuhan ng mejo, buti nalang pala may isa pang pool, kaya don nalang kami sumulong. Ang mga gaga nagyayang maglaro ng bunny archer wall. Ako ang host. Ang matatalong group yun ang babasain. Pero ang host ang napagtulungan. Hahaha. Napagpasyahan kong sumali sa isang group kasi natatalo na sila, ayun tuloy nanalo! Hahaha.

Habang nagbabasaan kami, may nakita kaming BITS NG SUKA. Putek kamalas-malasan nga naman oh. Ahon agad kami! Ang aga pa non, mga 1.30 palang non. Nag-isip kami kung saan kami pupunta, nauwi kami sa MOA. Seaside daw. Payag naman ang lahat.

Ayan, eksaktong 6:09 nag-sunset. Tuwang tuwa kami ba. Mga parang tangang first time lang. Napag-usapan pang babalik kami don sa pasukan, di naman masyadong halatang natuwa kami diba? Haha. Ayon, after manuod ng sunset, tambay muna saglit. Tapos natuwa sa fountain, nagpicture2 kami don.








OBVIOUS NAMANG TUWANG TUWA KAMI DIBA?? Tingnan mo naman ang porma. Mga mukhang galing swimming talaga. Ayun, umuwi naman kaming lahat ng busog kasi nanlibre si Justin ng pagkain, peace offering niya daw. Hindi naman talaga ko inis sakanya, medyo okay na nga kasi sumama siya eh. Kaso naasar ulit ako. (message me for more details) Ewan ko, mainit lang siguro ang ulo ko sa mga ang hilig mag-marunong tapos hindi naman pala alam. Napapahiya tuloy!

After non, hindi padin kami natinag, nagpunta pa kami sa bahay nila Roan. Wala lang, tripss lang namin yun. Tambay saglit, tapos nagkapaguran na kaya umuwi nalang kami. Pag-uwi ko, tumba ako sa kama. Sarap ng kutis ko, chocolate potek.

Pasensya na, halata sa blog kong tinatamad akong magkwento. Ayan ako ngayon eh, kaya magtyaga nalang muna tayo.

Abangan ang iba ko pang post. :)

ANG BLOG NA SUPER LATE MAG-UPDATE.

Ako na late. Sige na.

My upcoming blogs:

- TSG WITH KUYA KIM ATIENZA
- A SLUMBER PARTY WITH MY BEST FRIEND
- THE BEST AND WORST START

Abangan niyo nalang. Katamad eh. Try ko gumawa ng isa. :)