e0w pFoUwzXs.., mUstAh poWs?
Nairita ka? Eh kung isa pa?
kUm41n k4 nu4 pf0uwZ?
Oh galit ka na niyan?
Ano nga ba ang Jejemon? Sino bang hindi makakakilala sa mga to? Eh sila nga ang hottest topic ngayon sa internet. Hate page dito, hate page don. Pero sige, ipapaliwanag ko nalang din kung sino nga ba sila. Ang mga Jejemons ay mga taong ginagawang kumplikado ang pamamaraan nila ng pagtatype o pagtetext ng mga salita. Hango ito sa salitang "jeje" na tawa ng mga taong nabanggit. Jejeje.
Jejemon ako dati, inaamin ko yan ngayon. At nahihiya akong sabihin na ang lakas-lakas ng loob kong sumali sa mga hate page nila na kung tutuusin eh dumaan din naman pala ako sa ganoong pamamaraan ng "pagsulat". Nahihiya ako para sa sarili ko, kasi kung iisipin wala akong karapatang kainisan sila kasi isa ako sakanila. Ang kaibahan, nauna lang akong maging ganoon kaysa sakanila. Hindi ako nahihiyang sabihin na Jejemon ako noon, nahihiya akong sabihin na naiinis ako sakanila ngayong wala naman pala akong karapatan.
Tuwing nagbubukas ako ng Facebook, sasambulat sa akin ang lahat ng hate page ng mga Jejemons. "Gotta kill 'em all, Jejemon!", "I am a Jejebuster", yan ang ilan sa mga halimbawa nila. Panay ang post nila ng mga panlalait sa mga binansagan nilang Jejemon. Lumabas pa nga sila sa mga balita eh, may mga Jejemon na ininterview, at proud na proud silang sabihing ganon ang sense of style nila. Nung una, natatawa pa ako. Napag-uusapan namin ng mga kaibigan namin yon, tapos nilalait namin. Pero nung tumagal napagtanto ko na parang may mali, I mean, may mali na talaga.
Just try to get a "bigger picture" of it. Oo nga. Napakasakit sa mata magbasa ng ganong bagay. Tipong pag may nag-add satin na kabilang sa nabanggit na "specie" eh iniignore natin o worse, binoblock pa natin. Pag may nag-e0w pfOuwzXs sa atin, dinedelete agad natin, treating it as a shame pag nakita yon ng mga kaibigan natin. Siguro nga ganon talaga, kahit nga wala silang ginagawa satin, we treat them lepers of the society. Para bang mahahawa tayo pag kinausap natin sila, o inaad natin sila as a friend. Paano pala kung naiinis din pala sila sa ating ganito mag-type? Wala lang, yun lang naman ang tingin ko sa ating mga Pilipino, kapwa na nga lang natin, tayo pa mismo ang mandidiscriminate. Napakalaking mundo ng internet, I mean, hindi lang naman mga Pinoy ang nag-oocuppy nito. May mga Amerikano, Aprikano, at lahat na ng lahing pwedeng lagyan ng -kano sa dulo, mga Hapon, Koreano, name it all! Siguro nababalitaan na lang din nila tong ginagawa natin sa mga Jejemons na to no? And maybe they're all thinking this way:
"Siguro, kaya hindi umuunlad ang bansang ito kasi sila mismo ang humahatak sa mga kalahi nila pababa."
Isa lang ang hinahangaan ko sa mga binabansagan Jejemon, kahit pa minamata na sila ng lahat ng tao, nagkakaroon pa rin sila ng lakas ng loob na humarap sa lahat ng tao, kaakibat ang mga bagay na kinaiinisan ng lahat. Pinaninindigan nila yung sa tingin nila eh "maganda" at "tama" nang walang natatapakang tao.
At isa lang naman din ang masasabi ko sa mga tumutuligsa sa AMIN, sana alam niyo ang hangganan niyo.
"e0owxZs pFouHsX, mUstAh pFouwZxH?"
Naisip ko, ano nga ba ang mali sa pangangamusta?
Thursday, May 20, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment